May mga pagkakataong bigla akong natutulala at nag-iisip ng kung anu-ano. Sa aking palagay, hindi lang ako ang ganito. Marami pang iba. Maraming bagay ang paminsan-minsan ay gumugulo sa aking isipan. Minsan nga, iniisip ko, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na kung tutuusin ay wala naman akong kinalaman o di kaya ay hindi ko na dapat pang pag-aksayahan ng panahon? Minsan naman, may mga isyu akong naaalala at gusto ko talagang masolusyunan. Gaya nalang ng isyu tungkol sa pay parking dito sa Baguio City. Lintik na Jadewell Corporation yan! Napakalakas ng kapit! Magkano kaya ang ibinayad nila sa mga umapruba sa kanilang kontrata ilang taon na ang lumipas? Maya't maya, nagagawan ng butihin naming mayor na si Braulio Yaranon kasama na ang mga sukdulan hanggang impyerno ang galit sa Jadewell na yan. Panalo na sa RTC, babaliktarin sa Supreme Court. At ngayon, si mayor pa ang kinasuhan ng kumpanya. Pinasuspinde tuloy siya ng Malacanang. Gago naman ang ibang opisyales, panay oportunista! Buti nalang, alam ni mayor ang kanyang mga karapatan kaya't patuloy siyang lumalaban. Kasama mo ako sa laban na yan mayor! At sa Jadewell, baka nakakalimutan niyo, hindi niyo pag-aari ang Baguio City. Patuloy na lalaban ang mga taga Baguio sa inyo. Mapalitan man si mayor sa darating na halalan, patuloy pa rin ang pakikibaka ng mga taga Baguio City. At sa pagsabing bobo ang mga native ng Baguio City, may amnesia yata kayo.. Yung mga taong tumulong para makuha niyo ang kontrata niyo ay isang proud IGOROT (yun ay ayon sa kanya). Sa Jadewell Alis Movement, ipagpatuloy natin ang laban! Walang ibang may-ari ng mga daan sa Baguio City kung hindi ang mga taga Baguio City rin!
|
pie April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005 November 2005 December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 August 2006 February 2007 March 2007 June 2007 August 2007 December 2007 March 2008 Black $ White Movement Black Friday Protest Manuel L. Quezon III Jessica Zafra Pinoy Teachers Network Filipino Librarian Wazzup Wazzup LainRaine theo amia cnbgirl coleen dgboy ed larga loveseeker shawty sunflowergie anhtuan suncatcher chris ayie gigi rosey marco masterbetong eric Rachel yosibreak major tom simple people teacher sol a gelay log desarapen tales desert pinoy batang baler vice mayor alvin fernandez ron allan atty.punzi felix jun eunice shoegazer dr. nikki arch.pirallah racky life b4 sunset mikey jho kukote entrepinoys Who links to me? afraid for love to fade angel angel of mine Big Yellow Taxi Butterfly Kisses (luther vandross) fallin (janno gibbs) forevermore (side a) glory of love growing up Le Tue Parole my one true friend (bette midler) what matters most (kenny rankin) you'll be safe here (rivermaya let me be the one (jimmy bondoc) stay (cueshe) the day you said goodnight (hale) ever after (bonnie bailey) let's stay together University of Baguio Mobius eMP3.com My Space Tristan Cafe Starbucks Cafe Seattle's Best Coffee Mocha Blends Coffee 43 Things inquirer online abs-cbn news gazer/s online A R U B A B A R B A D O S D U B A I G R E E C E J A M A I C A L O N D O N M A L D I V E S M O N T E C A R L O P A R I S S W I T Z E R L A N D T H E N E T H E R L A N D S |